Mga pageview noong nakaraang buwan

Martes, Pebrero 25, 2014

FLESH-EATING ILLNESS SPREADING IN PANGASINAN (SADHU SUNDAR PROPHECY)

May kumakalat na balita at usap usapan ukol sa isang sakit na nadiskobre sa Pangasinan, Ang isa ay taga bayan ng Sta. Barbara at ang isa naman ay sa bayan ng Villasis. Marami ang nababahala sa sakit na ito lalong lalo na sa mga nasa lalawigan ng Pangasinan. Hindi lang sa sakit kundi sa pagkakaron ng takot sa Pangasinan, tulad ng makakapagpahina ito ng turismo ng Pangasinan. Sa pagkatakot sa sakit na ito maraming mga turista ang nagsikansela ng pagpunta sa Pangasinan. Ayon sa balita sa radyo hindi naman daw ito nakakatakot na sakit, itong sakit daw na ito ay hindi na bago at curable daw ito. Ngunit ang ibinalita sa mga kilalang stasyon ng telebisyon ito ay misteryosong sakit.

Bakit ganun nalang ang ikinakatakot ng mga tao sa balitang ito?  ito ay nag mula sa isang balita ng malaking TV network ang  _ _ _   _ _ _ parehong B ang nasa gitna. :-) kafamily ;-)

Ang dahilan kung bakit maraming tao ang natatakot sa balitang ito dahil sa isang propesiyang nasabi ng isang kilalang Propetang Indiano na kamakailan lang bumisita dito sa Pilipinas upang iparating/ipahayag/ipaalam ang kanyang mga propesiya.

Jesus Ministries founder Sadhu Sundar Selvaraj says a grievous disease will spread all over the world and will consume the flesh of men and will pierce through the bones. He uttered that this disease will begin from Pangasinan, Philippines.
http://www.localpulse.net/technology/prophecy-sadhu-sundar-selvaraj-pangasinan-philippines-goes-viral-207/



Mas nakilala siya dito sa Pilipinas dahil sa kaniyang mga hula na nagap na nakaraang taon lang, Ang nangyaring lindol sa bohol at cebu at ang malakas na bagyong si  Yolanda at ngayon naman ay ang sakit sa Pangasinan.

Hindi ko mailagay ang napanuod kong balita sa TV network na nabanggit ko sa itaas, Sa kadahilanang hindi ko na mahanap tinanggal na ata ang Video hindi na searchable ang balitang kanilang ipinalabas, kundi sa pagbawi nila sa balita nilang iyon.
Sa Bandila unang naipalabas ang balitang tungkol sa sakit sa Pangasinan.

http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/regions/02/25/14/no-mysterious-flesh-eating-illness-pangasinan-health-officer
There is no truth to rumors that a so-called flesh-eating illness is spreading in Pangasinan as reported in "Bandila" Monday night, the provincial health officer said on Tuesday.
"Wala pong misteryosong sakit na kumakalat po sa probinsya ng Pangasinan. Yan po ay hindi totoo. At itong dalawang sakit po ay hindi po ito yung flesh-eating bacteria na klase po ng sakit," Dr. Anna Marie de Guzman said in an interview with radio dzMM.
De Guzman said the two patients who were earlier reported to be carrying a flesh-eating disease were diagnosed with leprosy and psoriasis.
She said the female patient who was diagnosed with leprosy suffered a hypersensitivity drug reaction after taking her medications, causing infections on her skin.
The other male patient, meanwhile, is suffering from psoriasis which causes peeling and white-reddish scales on the skin.
De Guzman assured that both diseases are not contagious. "Wala pong dapat ikatakot sa probinsya ng Pangasinan."


Narito pa ang isang Balita na nagpapatunay na hindi totoong misteryoso ang sakit na ibinalita sa BANDILA lunes ng gabi, feb. 24, 2014.
Sa Bandila unang naipalabas ang balitang tungkol sa sakit sa Pangasinan.



Napatunayan ng walang dapat ipangamba ang mga nasa lalalawigan ng Pangasinan maging ang mga pupunta dito lalo na sa mga bayan na nabanggit.

Dapat ba tayong matakot sa mga hula/propesiya ni Sadhu Sundar Selvaraj?

Alamin natin sa Biblia kung ano nga ba ang pinanahayag nito.



Deuteronomio 13: 1-4 BAGONG MAGANDANG BALITA BIBLIYA

1 "Kung sa inyo'y may lumitaw na propeta o nagbibigay ng kahulugan sa mga panaginip,

2 at nagpakita siya ng kababalaghan o kaya'y nagkatotoo ang kanyang pahayag, subalit hinihikayat kayong sumamba sa mga diyus-diyosang hindi naman ninyo kilala,

3 huwag kayong makikinig sa kanya. Pagsubok lamang iyon ni Yahweh sa inyo kung talagang iniibig ninyo siya nang buong puso't kaluluwa.

4 Si Yahweh lamang ang inyong sundin. Matakot kayo sa kanya at sundin ninyo ang kanyang mga utos. Paglingkuran ninyo siya, at manatili kayong tapat sa kanya.


Mateo, 24:24 - Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.

Mateo 24:11
At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.

Mateo 7:15
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sainyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.

2 Pedro 2:1
 Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

1 Juan 4:1
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

Pahayag 19:20
At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre: 

Pahayag 20:10
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.


Hindi po nakakapagtaka kung bakit may lumitaw  na Bulaang Propeta. Ipinagpauna na sa Matanda at bagong tipan ukol dito.

Siya ay kinakasangkapan ng Diablo. Kung ating titignan ang kanyang Pangalan,
SADHU-----> HUDAS   :-)

Pinapatunayan ng Banal na Kasulatan na ang mga Bulaang Propeta ay ang paroroonan ay sa dagatdagatang apoy at asupre na siyang ikalawang kamatayan.

Sa Banal Na Kasulatan (Biblia) tayo bumatay dahil ito ang mga salita ng Diyos. Ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat kaya sakanya tayo magtiwala.

Babala: Wag Padaya sa mga BULAANG PROPETA/GURO/TAGAPANGARAL para hindi mailigaw.

Martes, Nobyembre 19, 2013

DIYOS NGA BA ANG PANGINOONG JESUCRISTO?



  • Alam naman po natin na ang pagkilala ng ating nakagisnang relihiyon ang Iglesia Katolika Apostolica Romana (IKAR) o mas kilala sa Roman Catholic (RC) At ang mga ibat ibang sekta ay ang Panginoong JesuCristo ay Diyos.


                                    Kailan po ba ginawang Diyos ang Panginoong Jesucristo?
                                                      noon pong 4th century. 325AD
                                             ang tagal po diba. NAKAPAGTATAKA. :)
                                                                         isip isip  ;D

     Kaya kahit magkakaiba man ng Relihiyon halos pareho lang ang mga ipinangangaral, isa na diyan ay ang pagkilala nila na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos.







    Sang ayon po ba ito sa banal na kasulatan(Biblia)?

    Alamin po natin sa Biblia kung ang Panginoong JesuCristo ay Diyos nga ba.

    Mateo, 1:18 - Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 

    Mateo, 1:20 - Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.

    Sa mga Talata na inyong nabasa malinaw pong sinabi na Tao po ang Panginoong JesuCristo.
    Ang sabi po ay nagdadalang-TAO o dinadalang-TAO Kung Diyos po siya dapat po ang sinabi ay nagdadalang-Diyos o dinadalang-Diyos

    Note: 2 talata n po n nag patunay na tao ang Panginoong JesuCristo.
    nagdadalang-Tao
    dinadalang-Tao


    Depensa ng ilan, Diyos na ngang totoo at Tao pang totoo ang Panginoong Jesus.

    Dito po sasalungat na po ang kanilang depensa/paniniwala/pananampalataya.

    Timoteo, 2:5 - Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,

    Ang Panginoong JesuCristo ay Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao. Ibig lang sabihin hindi siya Diyos. At pinatunayan ulit na siya ay TAO.


    Kung ipagpipilitan parin na ang Panginoong JesuCristo ay Dios. Siya mismo ang nagsabi na iisa ang tunay na Dios.

    Juan, 17:3 - At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
     
    Ang pinapakilala po niya na iisang Dios na tunay. Walang iba kundi ang Ama na siyang makapangyarihan sa lahat.


    Nang nabuhay ang Panginoong JesuCristo ito ang nangyari ng siya'y makita ng mga tao.

    Lucas, 24:37 - Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.

    Ito po ang sinabi ng Panginoong JesuCristo ng siya'y makita at inakalang espiritu. O sa ibang salin siya'y inakalang multo.

    Lucas, 24:39 - Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

    Nasabi ng Panginoong JesuCristo ito dahil ang tao at may laman at mga buto kaya nga siya nkita ng mga tao. Ang sabi nga nia ay Ang isang Espiritu ay walang laman at mga buto.

     Katunayan po ulit na siya ay tao sa kanyang likas na kalagayan.


    Anu po ba ang Diyos? Siya po ba ay nakikita?

    Juan, 4:24 - Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
     
    Napakalinaw po ang sinabi sa talatang ito. "Ang Dios ay Espiritu" Ang Espirito ay walang laman at walang mga buto. Kaya ang Diyos ay hindi makikita/nakikita.


    Sino po ba ang Espiritu na siya ang Dios?

    Juan, 20:17 - Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.
     
    Ang Dios na tinutukoy walang iba kundi ang Ama. Sbi po "Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios."


    May ilan po kc ang sabi nila ang Ama/Diyos siya din ang Panginoong JesuCristo. Nagkatawang tao daw. Nkuha nila cguro sa juan 1:1 Pero cla ay nagkamali ng pagkaintindi. Ito ang mga dahilan.
    1. Mali ang pagkaunawa.
    2. Mali ang salin na ginamit.
    3. Hindi taglay ang Dalisay na aral ng Diyos.

    Kung yun man ang ipagpipilitan kokontra dito sa talatang ito.

    Juan, 17:1 - Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
     
    Kung ang Ama at Anak(JesuCristo) ay iisa. Hindi na sana siya tumingala upang kausapin ang Ama. Kahit nag aaral sa elementarya pag nabasa iyan sasabihin ay dalawa. Parang sa pag uusap din natin yan. May sender at receiver.



    May mababasa po ba sa Biblia na sinabi ng Panginoong JesuCristo ns siya ay Diyos.? 

    Sagot: wala po Ito po ang mababasa natin sa Biblia Ito po ang sabi ni Cristo

    Juan, 8:40 - Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.
     
    Mismong winika/sinabi po niya na Siya po ay TAO. Sa talatang ito tapos na po ang usaping ito dahil Ang Panginoong JesuCristo na ang nag sabi na siya ay TAO. Sarili po niya yun kaya mas alam/kilala nia kung anu/sino siya.

    Ang sabi po ng mga kaibayo sa pananampalataya minamaliit daw ng Iglesia ni Cristo si Cristo dahil tao lng ang ating pagkilala sakanya. Minamaliit daw ng natin ang Panginoong JesuCristo.


    Una sa lahat hindi po minamaliit ng Iglesia Ni Cristo ang Panginoong JesuCristo. Naninindigan po kami na siya ay Tao dahil yon ang pagpapakilala ng Biblia sakanya. Sa katunayan napakataas ang aming pagkilala sa kanya.

    Ito po ang mga talatang nagpapatunay:

    Mateo 3:17 siya ay anak ng Diyos
    Gawa 2:36 ginawa siyang Panginoon
    Gawa 5:31 ginawang tagapagligtas
    1Timoteo 2:5 iisang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao.
    Efeso 1:20-22 inilagay sa ibabaw ng lahat ng nilalang
    Filipos 2:9-11 pinadakila ng Diyos at ipinag utos na sambahin.

    Marami pa pong iba ang katangian ng Panginoong JesuCristo na sakanya lamang ipinagkaloob ng Diyos.

Sabado, Nobyembre 16, 2013

IDOLATRIYA O MAS KILALA SA PAG SAMBA SA MGA DIOSDIOSAN

ang IDOLATRIYA sa ingles ay IDOLATRY

Ano po ba ang IDOLATRY?

Idolatry is a pejorative term for the worship of an idol or a physical object such as a cult image as a god, or practices believed to verge on worship, such as giving honour and regard to created forms. In all the Abrahamic religions idolatry is strongly forbidden, although views as to what constitutes idolatry may differ within and between them. In other religions the use of cult images is accepted. Which images, ideas, and objects constitute idolatry is often a matter of considerable contention.

Behaviour considered idolatrous or potentially idolatrous may include the creation of any type of image of the deity, or of other figures of religious significance such as prophets, saints, and clergy, the creation of images of any person or animal at all, and the use of religious symbols, or secular ones. In addition, Christian theologians, following Saint Paul, have extended the concept to include giving undue importance to other aspects of religion, or to non-religious aspects of life in general, with no involvement of images specifically. For example, the Catechism of the Catholic Church states: "Idolatry not only refers to false pagan worship. Man commits idolatry whenever he honours and reveres a creature in place of God, whether this be gods, or demons (for example satanism), power, pleasure, race, ancestors, the state, money etc."

source: wikipedia 


ito po ang sabi sa Biblia


 EXODO 20:1,3-5
1 Ang lahat ng ito'y sinabi ng Diyos:
3 "Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
4 "Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.
5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.


Utos po ng Diyos na huwag gagawa ng mga imahen o rebulto o mas kilala sa Diosdiosan.
may ilang. ibig sabihin po wag sasambahin. dahil magagalit ang Diyos
DEPENSA NG IBA/ILAN. "hindi po namin sinasamba ung mga imahen/rebulto/diosdiosan ang Diyos po ang aming sinasamba,
eh Bakit kayo nakayukod o nakaluhod?, alam nio ba ang ibig sabihin nun? ang pagyukod at pag luhod ay PAGSAMBA.

Sagot sa Depensa ng mga ilan/iba ukol sa Pagsamba sa mga larawan/rebulto/diosdiosan.

ISAIAS 42:8

Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

 


JEREMIAS 10:3-5
3 Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan.
Isang punongkahoy na pinutol sa gubat,
inanyuan ng mga dalubhasang kamay,
4 at pinalamutian ng ginto at pilak.
Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.
5 Ang mga diyus-diyosang ito'y
tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita;
pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad.
Huwag kayong matakot sa kanila
sapagkat hindi sila makakagawa ng masama,
at wala ring magagawang mabuti."

sa video ni Jessica Soho makikita ito kuha sa Tacloban nung nanalasa ang bagyong Yolanda
sa loob ng jeep may makikitang rebulto na tinatawag na Sto. Nino. sa loob ng Jeep na pansamantala nilang tinutuluyan, putol pa ang kamay, Kung yun po ang kinikilalang Diyos ay bakit naputol ang Kamay, at ang TANONG: "sino ang NILIGTAS at sino ang NAGLIGTAS......ang SAGOT: Ang NAGLIGTAS ung taong nasa jeep, ang NILIGTAS walang iba kundi ang REBULTONG STO. NINO.

"pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad"



 AWIT 115:3-7
3 Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin,
at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
4 Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos,
sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.
5 Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita,
at hindi rin makakita, mga matang pinasadya;
6 di rin naman makarinig ang kanilang mga tainga,
ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.
7 Totoo nga na may kamay ngunit walang pakiramdam,
mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang,
ni wala kang naririnig kahit munting tinig man lang.

"mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang,"

 


ISAIAS 46:5-7
5 Sinabi ni Yahweh, "Saan ninyo ako itutulad?
Mayroon bang makakapantay sa akin?
6 Binuksan nila ang kanilang sisidlan, ibinuhos ang mga gintong laman,
at nagtimbang sila ng mga pilak.
Umupa sila ng platero at nagpagawa ng diyus-diyosan;
pagkatapos ay niluhuran nila at sinamba ito.
7 Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar,
pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan.
Mananatili ito roon at hindi makakakilos.
Dalanginan man ito'y hindi makakasagot,
at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok.

Mananatili ito roon at hindi makakakilos.
Dalanginan man ito'y hindi makakasagot,
at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok.

wala pong maidudulot na mabuti ang pagkakaroon ng sa mga imahen/rebulto/diosdiosan hindi po kau matutulungan sa panahon ng pagsubok/problema/unos.

Ang pagkakaroon nd Diosdiosan o pag samba sa mga ito, ito po ay nakalalabag sa utos ng Diyos at hindi lamang un, kamumuhian pa kau ng Diyos, ibig lang sabihin kinakaaway nio ang Diyos dahil imbes siya ang sambahin mga Diosdiosan ang sinasamba.

ISAIAS 42:8
8 Ako si Yahweh; 'yan ang aking pangalan;
walang makakaangkin ng aking karangalan;
ang papuri'y sa akin, hindi sa diyus-diyosan.


SANTIAGO 4:17

SA NAKAKAALAM NGA NG PAGGAWA NG MABUTI, AT HINDI GINAGAWA, ITOY KASALANAN SAKANIYA.


 Hindi po kayo maliligaw dahil hindi po ito kuro-kuro o palapalagay.

pasensya na po baguhan palang.  pakiintindi nalng po.
 :-)