Mga pageview noong nakaraang buwan

Martes, Nobyembre 19, 2013

DIYOS NGA BA ANG PANGINOONG JESUCRISTO?



  • Alam naman po natin na ang pagkilala ng ating nakagisnang relihiyon ang Iglesia Katolika Apostolica Romana (IKAR) o mas kilala sa Roman Catholic (RC) At ang mga ibat ibang sekta ay ang Panginoong JesuCristo ay Diyos.


                                    Kailan po ba ginawang Diyos ang Panginoong Jesucristo?
                                                      noon pong 4th century. 325AD
                                             ang tagal po diba. NAKAPAGTATAKA. :)
                                                                         isip isip  ;D

     Kaya kahit magkakaiba man ng Relihiyon halos pareho lang ang mga ipinangangaral, isa na diyan ay ang pagkilala nila na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos.







    Sang ayon po ba ito sa banal na kasulatan(Biblia)?

    Alamin po natin sa Biblia kung ang Panginoong JesuCristo ay Diyos nga ba.

    Mateo, 1:18 - Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 

    Mateo, 1:20 - Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.

    Sa mga Talata na inyong nabasa malinaw pong sinabi na Tao po ang Panginoong JesuCristo.
    Ang sabi po ay nagdadalang-TAO o dinadalang-TAO Kung Diyos po siya dapat po ang sinabi ay nagdadalang-Diyos o dinadalang-Diyos

    Note: 2 talata n po n nag patunay na tao ang Panginoong JesuCristo.
    nagdadalang-Tao
    dinadalang-Tao


    Depensa ng ilan, Diyos na ngang totoo at Tao pang totoo ang Panginoong Jesus.

    Dito po sasalungat na po ang kanilang depensa/paniniwala/pananampalataya.

    Timoteo, 2:5 - Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,

    Ang Panginoong JesuCristo ay Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao. Ibig lang sabihin hindi siya Diyos. At pinatunayan ulit na siya ay TAO.


    Kung ipagpipilitan parin na ang Panginoong JesuCristo ay Dios. Siya mismo ang nagsabi na iisa ang tunay na Dios.

    Juan, 17:3 - At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
     
    Ang pinapakilala po niya na iisang Dios na tunay. Walang iba kundi ang Ama na siyang makapangyarihan sa lahat.


    Nang nabuhay ang Panginoong JesuCristo ito ang nangyari ng siya'y makita ng mga tao.

    Lucas, 24:37 - Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.

    Ito po ang sinabi ng Panginoong JesuCristo ng siya'y makita at inakalang espiritu. O sa ibang salin siya'y inakalang multo.

    Lucas, 24:39 - Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

    Nasabi ng Panginoong JesuCristo ito dahil ang tao at may laman at mga buto kaya nga siya nkita ng mga tao. Ang sabi nga nia ay Ang isang Espiritu ay walang laman at mga buto.

     Katunayan po ulit na siya ay tao sa kanyang likas na kalagayan.


    Anu po ba ang Diyos? Siya po ba ay nakikita?

    Juan, 4:24 - Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
     
    Napakalinaw po ang sinabi sa talatang ito. "Ang Dios ay Espiritu" Ang Espirito ay walang laman at walang mga buto. Kaya ang Diyos ay hindi makikita/nakikita.


    Sino po ba ang Espiritu na siya ang Dios?

    Juan, 20:17 - Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.
     
    Ang Dios na tinutukoy walang iba kundi ang Ama. Sbi po "Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios."


    May ilan po kc ang sabi nila ang Ama/Diyos siya din ang Panginoong JesuCristo. Nagkatawang tao daw. Nkuha nila cguro sa juan 1:1 Pero cla ay nagkamali ng pagkaintindi. Ito ang mga dahilan.
    1. Mali ang pagkaunawa.
    2. Mali ang salin na ginamit.
    3. Hindi taglay ang Dalisay na aral ng Diyos.

    Kung yun man ang ipagpipilitan kokontra dito sa talatang ito.

    Juan, 17:1 - Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
     
    Kung ang Ama at Anak(JesuCristo) ay iisa. Hindi na sana siya tumingala upang kausapin ang Ama. Kahit nag aaral sa elementarya pag nabasa iyan sasabihin ay dalawa. Parang sa pag uusap din natin yan. May sender at receiver.



    May mababasa po ba sa Biblia na sinabi ng Panginoong JesuCristo ns siya ay Diyos.? 

    Sagot: wala po Ito po ang mababasa natin sa Biblia Ito po ang sabi ni Cristo

    Juan, 8:40 - Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.
     
    Mismong winika/sinabi po niya na Siya po ay TAO. Sa talatang ito tapos na po ang usaping ito dahil Ang Panginoong JesuCristo na ang nag sabi na siya ay TAO. Sarili po niya yun kaya mas alam/kilala nia kung anu/sino siya.

    Ang sabi po ng mga kaibayo sa pananampalataya minamaliit daw ng Iglesia ni Cristo si Cristo dahil tao lng ang ating pagkilala sakanya. Minamaliit daw ng natin ang Panginoong JesuCristo.


    Una sa lahat hindi po minamaliit ng Iglesia Ni Cristo ang Panginoong JesuCristo. Naninindigan po kami na siya ay Tao dahil yon ang pagpapakilala ng Biblia sakanya. Sa katunayan napakataas ang aming pagkilala sa kanya.

    Ito po ang mga talatang nagpapatunay:

    Mateo 3:17 siya ay anak ng Diyos
    Gawa 2:36 ginawa siyang Panginoon
    Gawa 5:31 ginawang tagapagligtas
    1Timoteo 2:5 iisang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao.
    Efeso 1:20-22 inilagay sa ibabaw ng lahat ng nilalang
    Filipos 2:9-11 pinadakila ng Diyos at ipinag utos na sambahin.

    Marami pa pong iba ang katangian ng Panginoong JesuCristo na sakanya lamang ipinagkaloob ng Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento