Bakit ganun nalang ang ikinakatakot ng mga tao sa balitang ito? ito ay nag mula sa isang balita ng malaking TV network ang _ _ _ _ _ _ parehong B ang nasa gitna. :-) kafamily ;-)
Ang dahilan kung bakit maraming tao ang natatakot sa balitang ito dahil sa isang propesiyang nasabi ng isang kilalang Propetang Indiano na kamakailan lang bumisita dito sa Pilipinas upang iparating/ipahayag/ipaalam ang kanyang mga propesiya.
Jesus Ministries founder Sadhu Sundar Selvaraj says a grievous disease will spread all over the world and will consume the flesh of men and will pierce through the bones. He uttered that this disease will begin from Pangasinan, Philippines.
http://www.localpulse.net/technology/prophecy-sadhu-sundar-selvaraj-pangasinan-philippines-goes-viral-207/
Mas nakilala siya dito sa Pilipinas dahil sa kaniyang mga hula na nagap na nakaraang taon lang, Ang nangyaring lindol sa bohol at cebu at ang malakas na bagyong si Yolanda at ngayon naman ay ang sakit sa Pangasinan.
Hindi ko mailagay ang napanuod kong balita sa TV network na nabanggit ko sa itaas, Sa kadahilanang hindi ko na mahanap tinanggal na ata ang Video hindi na searchable ang balitang kanilang ipinalabas, kundi sa pagbawi nila sa balita nilang iyon.
Hindi ko mailagay ang napanuod kong balita sa TV network na nabanggit ko sa itaas, Sa kadahilanang hindi ko na mahanap tinanggal na ata ang Video hindi na searchable ang balitang kanilang ipinalabas, kundi sa pagbawi nila sa balita nilang iyon.
Sa Bandila unang naipalabas ang balitang tungkol sa sakit sa Pangasinan.
http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/regions/02/25/14/no-mysterious-flesh-eating-illness-pangasinan-health-officer
There is no truth to rumors that a so-called flesh-eating illness is spreading in Pangasinan as reported in "Bandila" Monday night, the provincial health officer said on Tuesday.
"Wala pong misteryosong sakit na kumakalat po sa probinsya ng Pangasinan. Yan po ay hindi totoo. At itong dalawang sakit po ay hindi po ito yung flesh-eating bacteria na klase po ng sakit," Dr. Anna Marie de Guzman said in an interview with radio dzMM.
De Guzman said the two patients who were earlier reported to be carrying a flesh-eating disease were diagnosed with leprosy and psoriasis.
She said the female patient who was diagnosed with leprosy suffered a hypersensitivity drug reaction after taking her medications, causing infections on her skin.
The other male patient, meanwhile, is suffering from psoriasis which causes peeling and white-reddish scales on the skin.
De Guzman assured that both diseases are not contagious. "Wala pong dapat ikatakot sa probinsya ng Pangasinan."
Narito pa ang isang Balita na nagpapatunay na hindi totoong misteryoso ang sakit na ibinalita sa BANDILA lunes ng gabi, feb. 24, 2014.
Sa Bandila unang naipalabas ang balitang tungkol sa sakit sa Pangasinan.
Napatunayan ng walang dapat ipangamba ang mga nasa lalalawigan ng Pangasinan maging ang mga pupunta dito lalo na sa mga bayan na nabanggit.
Dapat ba tayong matakot sa mga hula/propesiya ni Sadhu Sundar Selvaraj?
Alamin natin sa Biblia kung ano nga ba ang pinanahayag nito.
Deuteronomio 13: 1-4 BAGONG MAGANDANG BALITA BIBLIYA
1 "Kung sa inyo'y may lumitaw na propeta o nagbibigay ng kahulugan sa mga panaginip,
2 at nagpakita siya ng kababalaghan o kaya'y nagkatotoo ang kanyang pahayag, subalit hinihikayat kayong sumamba sa mga diyus-diyosang hindi naman ninyo kilala,
3 huwag kayong makikinig sa kanya. Pagsubok lamang iyon ni Yahweh sa inyo kung talagang iniibig ninyo siya nang buong puso't kaluluwa.
4 Si Yahweh lamang ang inyong sundin. Matakot kayo sa kanya at sundin ninyo ang kanyang mga utos. Paglingkuran ninyo siya, at manatili kayong tapat sa kanya.
Mateo, 24:24 - Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
Mateo 24:11
At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
Mateo 7:15
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sainyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.
2 Pedro 2:1
Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
1 Juan 4:1
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.
Pahayag 19:20
At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:
Pahayag 20:10
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
Hindi po nakakapagtaka kung bakit may lumitaw na Bulaang Propeta. Ipinagpauna na sa Matanda at bagong tipan ukol dito.
Siya ay kinakasangkapan ng Diablo. Kung ating titignan ang kanyang Pangalan,
SADHU-----> HUDAS :-)
Pinapatunayan ng Banal na Kasulatan na ang mga Bulaang Propeta ay ang paroroonan ay sa dagatdagatang apoy at asupre na siyang ikalawang kamatayan.
Sa Banal Na Kasulatan (Biblia) tayo bumatay dahil ito ang mga salita ng Diyos. Ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat kaya sakanya tayo magtiwala.
Babala: Wag Padaya sa mga BULAANG PROPETA/GURO/TAGAPANGARAL para hindi mailigaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento